-- Advertisements --

Bumagal ang pagpapautang ng mga bangko noong buwan ng Setyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, na ito na ang anim na sunod na buwan na nagkaroon ng mabagal na pagpapautang sa loob ng dalawang taon.

Base sa datus ng BSP na ang mga pautang na nailabas ng mga universal at commercial banks ay tumaas lamang ng 6.5 percent o P11.7 trillion noong katapusan ng Setyembre.

Ito ay mas mataas mula sa dating P10.49 trillion sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Noong buwan ng Agosto ang naitalang pinakamabagal na panahon ng mga pagpapautang ng mga bangko ay noong Agosto na mayroong 7.2 percent lamang.

Ilan sa mga nakitang dahilan ng BSP kaya bumagal ang pagpapautang ng mga bangko ay dahil sa ang inflation at ang paghina ng piso kontra dolyar.