-- Advertisements --

Mas ipaprayoridad ngayong taon ng Department of Health ang pagpapaigting pa sa healthcare system ng Pilipinas.

Ito ay bahagi ng pagpapatuloy ng kagawaran sa nasimulan nito sa nakalipas na taong 2023 kung saan naging abala ang ahensya sa pagtatatag ng mga healthcare facilities sa iba’t-ibang panig ng bansa partikular na sa mga probinsya.

Layunin nito na makapaghatid ng state-of-the-art medical services, at laboratory services sa mga mahihirap nating mga kababayan na nasa malalayo at liblib na lugar sa tulong na rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay ibinida rin ng DOH ang mga specialty hospitals, “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” program, implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law, at marami pang iba na naitatag sa ilalim ng mga inisyatiba ng naturang kagawaran.