-- Advertisements --

Itinuturing ng Department of Justice na isang normal na proseso ang pagpapatawag ng Quezon City Prosecutors Office kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, na sa nasabing paraan ay para mabigyang ng pagkakataon ang dating pangulo na ilahad ang kaniyag panig.

Naniniwala din ang kalihim na ang kasong isinampa ni ACT Representative France Castro ay may halong pulitika.

Mgugunitang pinapatawag ng Quezon City Prosecutors Office si Duterte sa darating na Disyembre 4 at 11 para isumite ang kaniyang counter-affidavit sa kasong cybercrime at grave threats na isinampa ni Castro.