Aminado ang Philippine National Police (PNP) na pahirapan para sa kanila ang pagpapasara sa mga nagsulputang online sabong websites.
Ito’y dahil hindi pa nila kilala ang operator ng mga ito.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, base sa pagtataya ng Anti-Cyberctime Group, posibleng abutin ng 2 linggo ang pagsasara sa mga e-sabong website.
Nasa anim na iligal e-sabong websites ang tinukoy ng PNP Anti-Cybercrime Group.
Sa kasalukuyan aniya ay nagsasagawa na sila ng case build up at nakikipag-ugayan sa mga service provider para sa pagtukoy sa mga nasa likod ng sabungan.
Pagtutuunan umano nila ng pansin ang social media activities ng mga ito dahil nandito ang tayaan at wala sa aktwal na betting sites.
Samantala,sinabi ni Fajardo, dahil sa muling paglutang ng e-sabong, muli silang magsasagawa ng inspeksyon sa gadget ng mga pulis na naka-duty sa istasyon para matiyak na wala silang mga tauhan na malululong sa sugal.