Itinuturing ni Tourisim Sec. Bernadette Romulo-Puyat na “blessing in disguise” ang ilang buwang pagsara sa isla ng Boracay kahit pa naging mahirap ito para sa maraming stakeholders.
Sinabi ni Puyat na maraming biyahero ang napilitang bumisita sa iba pang magagandang destinasyon sa bansa nang isara ang Boracay.
Ayon sa kalihim, naging “Conde Nast’s number 1 island to visit” ang Siargao nang sumasailalim sa rehabilitasyon ang isla ng Boracay.
Naging sikat din ang Siquijor, gayundin ang Dumaguete sa mga panahon na iyon.
Maging ang Cebu, ayon kay Puyat, na matagal nang top destination ay tumaas din ang bilang ng mga bumisitang turista.
Sinabi rin ng kalihim na sorpresa rin para sa kanila na tumaas ang bilang ng mga turistang bumisita sa bansa sa kabila nang pagsara sa Boaracay.
Isa rin aniyang “blessing” kung ituring ang pagpapahalaga na sa ngayon ng publiko sa ideya ng sustainable tourism.