-- Advertisements --

NAGA CITY – Maikokonsidera umanong isang patraydor na pamamaraan ang ginawa ng National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa inilabas nitong cease and desist order laban sa media giant na ABS-CBN.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonoy Espina, Presidente ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP-National) sinabi nitong hindi niya nagustuhan ang desisyon ng NTC dalawang araw makalipas nang gunitain ng buong mundo ang World Press Freedom day.

Ngunit nakakalungkot umanong isipin na dahil sa galit ng isang tao ay ginamit nito ang kanyang kapangyarihan upang maipasara ang isa sa pinakamalaking broadcast network sa bansa.

Binatikos din nito ang timing nang naturang desisyon na itinaon pa kung kailan nahaharap sa public health crisis ang buong mundo.