-- Advertisements --

Umapela si Makati City 2nd District Representative Luis Campos Jr. sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na panatilihin ang kasalukuyang 2% maximum monthly interest rate sa unpaid o outstanding credit card balances.

Batay sa inihaing House Resolution 459 ng mambabatas, binigyang-diin nito na hirap ang maraming Pilipino dahil sa epekto ng naitalang 6.9 percent inflation rate nitong buwan ng Setyembre.

Ayon sa mambabatas, marami sa mga kababayan natin ang gumagamit ng credit card pambili ng mga pangunahing bilihin, pambayad ng bills at kung anu-ano pa.

Sinabi ni Camppos, kung tataasan ang interest rate ay magiging dagdag pasakit ito sa consumers lalo na ang mga minimum wage earners.

Binigyang-diin ni Rep. Campos na dapat panatilihin ang maximum one percent monthly add-on rate sa credit.

Batay sa datos nasa mahigit 10.3 million Filipinos ang naisyuhan ng credit cards.

Ayon sa BSP ang banking system’s credit card receivables as of June 30, 2022 ay nasa P478.4 billion.