-- Advertisements --
image 452

Hindi maaapektuhan ang paghahanda ng gobyerno para sa El Niño matapos palitan ang executive director ng National Water Resources Board (NWRB) na si Sevillo David Jr.

Sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System deputy administrator Jose Dorado Jr na nilagdaan ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang Special Order 2023-500 na nagtatalaga kay Director III Ricky Arzagon bilang officer-in-charge executive director ng NWRB.

Aniya, ang nasabing pagbabago sa mamamahala sa board ay hindi makakaapekto dahil matagal nang nakatakda na ang paghahanda para sa El Niño.

Giit ni Dorado na patuloy na tatangkilikin ng mga customer ang walang patid na supply ng tubig sa kabila ng 48 cubic meters per second (CMS) na alokasyon ng tubig na ibinigay sa Maynilad Water Services Inc. at Manila Water.

Sa ngayon, nangako ang NWRB na mas paiigtingin nito ang kanilang trabaho at ang pag-antabay sa mga dam upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo para sa mamamayan.