-- Advertisements --
Inamin ng Deparment of Migrant Workers (DMW) na hirap silang ma-enganyo ang mga overseas Filipino workers (OFW) na naiipit sa kaguluhan sa Israel.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, na karamihan sa mga OFW sa Israel ay mga caregiver na napalapit na sa kanilang mga inaalagaang amo.
Nagkakaroon ng emotional-ties ang mga ito kaya hirap ang DMW na mahikayat ang mga ito.
Hanggang sa kasalukuyan ay nasa voluntary repatriation ang DMW kaya dumepende ito sa pasya ng mga OFW.