-- Advertisements --

Maituturing unconstitutional sakali mang ipagpaliban ang pagdaraos ng 2022 elections hanggang 2025, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Reaksyon ito ni Jimenez sa napabalitang petisyon na inihain ng Coalition for Life and Democracy para ipagpaliban ang May 2022 polls hanggang 2025 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Jimenez na maari lamang suspendihin ng poll body ang halalan pero sa maiksing panahon lamang at kung sa mga kondisyon lang na hindi existing ang free at fair elections.

Sa ngayon ay hindi naman aniya existing ang mga criteria na ito kaya masasabi niyang walang justification para payagan ang napabalitang petisyon.

Gayunman, nasa Comelec En Banc na rin aniya ang kapangyarihan para desisyunan ang usapin na ito.

Para kay Jimenez, “problematic” ang petisyon na ito dahil malinaw na malinaw sa Saligang Batas ang pagdaraos ng halalan at wala rin namang holdover provision na nakapaloob dito.