-- Advertisements --
BSKE

Nakatakdang desisyunan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapaliban ng pagsasagawa ng Barangay at SK elections sa Negros Oriental sa huling bahagi ng Setyembre ng kasalukuyang taon.

Sa nauna ng Senate inquiry sa pagpatay kay Negros Oriental Roel Degamo, hiniling nina Senator Ronald Dela Rosa at Senator Francis Tolentino sa poll body na tignan ang posibilidad ng pagpapaliban ng lokal na halalan sa probinsiya sa gitna ng karahasan sa pulitika sa lalawigan

Inihayag din ng mga Senador ang survey kamakailan na nagpapakita na ang mga mamamayan ng Region 7 ay pabor na ipagpaliban ang BSKE.

Sa isinagawa namang coordinating comference noong Hunyo, sinabi ni PNP chief Benjamin Acorda Jr. na hindi na kailangan pang ipagpaliban ang BSKE ngayong taon sa lalawigan.

Matatandaan na nag-ugat ang panawagan na ipagpaliban ang lokal na halalan sa Negros Oriental kasunod ng mga rekomendasyon mula sa national officials matapos ang asasinasyon o pagpaslang kay Governor Roel Degamo at 9 na iba pang indibidwal na nadamay sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.