-- Advertisements --

Umaasa ang isang infectious disease expert na mapalawig pa ang pagbabakuna para sa ikalawang bosster sa hanay ng mga indibidwal na mayroong comorbidities.

Naniniwala si Dr. Rontgene Solante nakailangang mapalawig pa ang coverage ng nababakunahan ng booster dose lalo na ngayon na mayroong bultong suplay ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

Sa kasalukuyan tanging ang mga immunocompromised individuals, senior citizens at frontline healthcare workers pa lamang ang pinapayagang mabakunahan ng ikalawang booster.

Ipinaliwanag ni Dr. Solante na nakikita aniya na mataas ang tiyansa na mainfect ng COVID-19 ang mga mayroong comorbidity gayundin mataas ang banta na magkaroon ng sever infection at kamatayan.

Nauna na ting inirekomenda ng Philippine College of Chest Physicians ang pagtutuork na ng ikalawang booster ang mga persons with comorbidities.

Bagamat inihayag naman ng DOH Technical Advisory Group partikular ni Dr. Edsel Salvaña na hindi pa nakikita sa ngayon na kailangan ng mabakunahan ng ikalawang booster para sa mga non-immunocompromised individuals. Top