
Isinusulong ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagpapalakas pa ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa iba pang larangan.
Kabilang na dito ang artificial intelligence, autonomous weapons, cyber at space na parehong isinusulong ng dalawang bansa bilang karagdagan pa sa maritime domain awareness.
Ginawa ng kalihim ang naturang suhestyon sa isang dayalogo na inorganisa ng Asia Society sa New York, US.
Sinabi din ni Sec. Manalo na dapat magkaroon ng bagong panuntunan para matiyak na hindi maging kasangkapan ang naturang new emerging assets para i-challenge ang rule of law at hindi magamit para i-exploit ang mahihina o malabag ang karapatang pantao at dignidad ng mga mamamayan.
Ang kasalukuyang anxieties sa geopolitical tensions ay hindi dapat aniya maging hadlang sa dalawang bansa para isulong ang karagdagang partnership.










