-- Advertisements --

Pinag-iisipan na ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng medical team sa Hong Kong para umalalay sa ating mga kababayang tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac, nagkaroon daw sila ng pagpupulong kamakailan ni Labor Sec. Silvestre Bello III.

Gayunman, sinabi ni Cacdac na kailangan daw muna nila ng koordinasyon sa mga otoridad sa Hong Kong kaugnay nito.

Ayon kay Cacdac ito ay dahil nasa pangangalaga na raw ng Hong Kong government ang mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19.

Sa data ng OWWA, pumalo na sa 76 ang bilang ng mga Pinoy sa Hong Kong.

Walo raw dito ang admitted na sa ospital at ang iba naman ay nasa pasilidad na ng Hong Kong goverment, non government organizations at maging sa mga isolation rooms ng kani-kanilang mga employer.