Sinisilip na umano ng Department of Justice (DoJ) ang mga ligal na paraan para maibalik sa piitan ang mga pinalayang bilanggo na nagawaran ng good conduct time allowance (GCTA).
Kasunod pa rin ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa piitan ang mga bilanggong napalaya lalo na ang mga sangkot sa mga karumal-dumal na Krimen.
Una na kasing lumutang ang mga balitang pagpapalaya sana kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted sa panggagahasa sa estudyanteng si Eileen Sarmenta at pagpatay sa boyfriend nitong si Allan Gomez noong 1993.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DoJ Spokesman at Usec. Markk Perete, naniniwala itong matutugunan ng binuong DoJ-Department of Interior and Local Government (DILG) Joint Committee na magre-review sa implementing rules and regualtion (IRR) ng GCTA ang hiling ng pangulo.
Kahapon nang magpulong ang mga komite na pinamunuan ni DoJ Usec. Deo Marco, Bureu of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon at mga opisyal ng Board of Jail Management and Penology, Board of Pardons and Parole at Parole and Probation administration.