Kumpiyansa ang pinuno ng economic team na ma-extend pa ang pagpapababa ng tariff rates sa mga pangunahing agricultural commodities ngayong ang inflation ay sumirit sa 14-year high noong nakaraang buwan at pinangangambahang tumaas pa.
Ayon kay Finance chief Benjamin Diokno, umaasa siya na ang mas mababang tariff rates – bilang awtorisado sa ilalim ng Executive Order 171 – ay mapapalawig, lalo na pagkatapos tumaas ang inflation sa 7.7 porsiyento noong Oktubre sa gitna ng mas mahal na mga bilihin sa pagkain.
Nauna nang nakasaad sa EO 171 ang pagbawas sa mga rate ng taripa sa baboy, mais, bigas at carbon ngunit ang nasabing panukala ay magwawakas sa katapusan ng taon.
Ang EO, na inilabas ng nakaraang administrasyon, ay naglalayong tugunan ang inflationary concerns sa gitna ng mataas na presyo ng langis.
Nakatakdang magsagawa ng pampublikong konsultasyon ang Tariff Commission ngayong araw para marinig ang panig ng iba’t ibang stakeholder.
Anuman ang maabot sa panahon ng pampublikong konsultasyon ay itataas sa Committee on Tariff and Related Matters sa ilalim ng Department of Trade and Industry.