Ibinasura ng US Trademark Triala and Appeal Board ang tangkang pagpapa-trademark ni Mariah Carey ng “Queen of Christmas”.
Kasamang ibinasura ang pagpapa-trademark din nito na kasabihan na “Princess Christmas” at “Christmas Princess”.
Ang nasabing kataga ay ini-apply ng beteranang singer noong March 2021 kung saan umani ito ng batikos.
Paliwanag ni Carey na nais niyang gamitin ang mga kataga sa kaniyang sariling pabango, lotions, nail polish, alahas, cups, mugs, chocolate milk, coconut water at ilang mga produkto nito.
Ilan sa mga bumatikos ay ang mga singer na sina Darlene Love at Elizabeth Chan.
Sinabi ni Chan na ang Pasko ay panahon ng pagbibigay at hindi pagkuha.
Isang malaking kamalian ang pag-monopolize ang pangalan gaya ng Queen of Christmas para sa sariling interest.