-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Isinusulong ni Cagayan de Oro 2nd Dist. Rep. Rufus Rodriguez ang pagpalawig ng isang taon sa termino ng mga elected local officials at pagbabawas ng dalawang taon sa termino ng mga senador ng bansa.

Ito’y nakapaloob sa kanyang isinampang house resolution na naglalayong amendahan ang iilang probisyon ng 1987 Phil. Constitution.

Sa nasabing resolosyon, iminungkahi ni Rodriguez na gawing apat na taon ang termino ng mga senador mula sa orihinal na anim na taon.

Habang ang mga lokal opisyal kabilang ang mga congressmen, dagdagan ng isang taon at gawing apat na taon ang kanilang termino upang mabigyan sila ng sapat na panahon sa pagserbisyo sa kanilang mga constituents.

Ayon kay Cong. Rodriguez, na siyang chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, napapanahon na ang pag-amenda sa saligang batas upang matututukan ang pagbibigay ng long-term solution sa konflikto sa Mindanao at mabigyan daan ang pag-unlad ng mga rehiyon.

Napaloob rin sa resolosyon ang pagbibigay sa mga senador ng malawak na regional representations dahil ibasi sa regional division ang pag-boto sa kanila ng taong bayan.