-- Advertisements --

Inungkat sa pagdinig ng Senate committee on public services ang sinasabing violations at penalty ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN corporation.

Kung maaalala, dati nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming paglabag ang kompaniya kung saan maging siya raw ay naging biktima.

Partikular na rito ang isyu ng nabayarang campaign ads ni Duterte na hindi naman nailabas ng media network.

Pero sa pagtatanong ni Sen. Ralph Recto kay NTC Comm. Gamaliel Cordoba ukol sa maaaring ipataw sa TV network, nabatid na walang pending penalty na ipapatupad ang kanilang tanggapan sa isyung ito.

Kaugnay nito, hinikayat na lang ni Recto na pagmultahin ang ABS-CBN kung mapapatunayan ang mga paglabag sa franchise kaysa tuluyan itong ipasara.