-- Advertisements --

Ipinauubaya na umano ng Malacanang sa Department of Trade and Industry (DTI) ang paglikom at paglabas ng detalye ukol sa investment pledges na nakuha ng bansa mula sa mga negosyante sa Estados Unidos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, si Trade Sec. Alfredo Pascual na ang gagawa ng report sa mga ito na isusumite naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito kasi ang isa sa inaasahang magiging malaking laman ng report ng Pangulo sa kaniyang pag-uwi sa ating bansa sa Setyembre 24, 2022.

Matatandaang nakalikom ang Philippine delegation ng $14.36 billion investment pledges mula sa Indonesia at Singapore na mga unang pinuntahan ni President Marcos.

Katumbas ito ng P804.78 billion na malaking tulong umano sa pagpapalakas ng ating ekonomiya na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.