biazon
-- Advertisements --

Umaapela si House Committee on National Defense senior vice chairman Ruffy Biazon sa mga kapwa niya mambabatas na aprubahan ang panukalang batas na lilikha sa Philippine Marshal Service.

Mahalaga aniya ito hindi lamang para matiyak ang proteksyon at seguridad sa mga miyembro ng hudikatura, judicial personnel, korte at iba pang court assets kundi para maging mabilis din ang pagkamit sa hustisya ng mga ito.

Naalarma si Biazon dahil sa mataas na bilang ng mga pinaslang na miyembro ng hudikatura sa mga nakalipas na taon, katulad na katulad na lamang ng datos mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagsasabing walong judgest at 61 na abogado ang pinatay sa ilalim ng Duterte administration lamang.

Ayon sa kongresista, sa ilalim ng panukala, ang Philippine Marshal Service ay aatasan na magsagawa ng threat assessments at imbestigasyon para protektahan, dipensahan, at tiyakin ang kaligtasan ng mga justices, judges, court officials at personnel, at court buildings.

Maari rin nilang imbestigahan ang mga alegasyon ng iregularidad, kabilang na ang graft at corrupt practices, na kinasasangkutan ng mga justices, judges, court officials, at court personnel.

-- Advertisement --

Kapag maging ganap na batas, ang Philippine Marshals Services ay pamumunuan ng isang Chief Marshal, na may kaparehong ranggo, prebilehiyo, at compensation ng sa mga Associate Justices ng Court of Appeals.

Ang Chief Marshal ay magkakaroon ng tatlong Deputy Marshals mula Luzon, Visayas, at Mindanao, at may kapareho ring ranggo, prebilehoyo at compensation ng sa mga Regional Trial Court jude.

Ang mga magsisilbi sa posisyon na ito ay itatalaga ng Supreme Court en banc, at dapat ay mga miyemrbo ng Philippine bar na may ranggo na full Colnel ng AFP o PNP, o Assistant Director ng NBI.