-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Go Negosyo founder and former Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang itinatag na Private Sector Advisory Council ni President Bongbong Marcos Jr.

Ibig sabihin lang nito ay nais ng pangulo ng bansa na makibagay sa mga problema ng mga negosyante ngayon at mga praktikal na isyu, lalo na ‘yung mga larangan ng agrikultura, kung saan siya rin ang gumaganap na kalihim.

Si Concepcion ay itinalaga bilang Council’s “Lead for jobs, including micro, small and medium enterprises (MSMEs).”

Nilikha ni Marcos ang Private Sector Advisory Council na binubuo ng ilang lider sa sektor ng negosyo “upang umayon” sa mga problema sa sektor.

Nagpasalamat din ang pangulo sa mga miyembro nito na pinangunahan ni Aboitiz Equity Ventures President at CEO Sabin Aboitiz para sa pagdalo sa isang pagpupulong upang pag-usapan at palitan ng mga ideya tungkol sa pagpapalaki ng sektor ng agrikultura.

Hindi pa naglalabas ang Malacañang ng listahan ng mga negosyante at iba pang opisyal na dumalo sa pagpupulong ni Marcos sa nasabing Sanggunian.