-- Advertisements --

Pinayagan na ng Russia na ilikas ang mga sugatang sundalo ng Ukraine mula sa Azovstal steel works sa Mariupol.

Ayon sa Russian Defense Ministry na ito ang naging resulta ng pag-uusap nila sa Ukraine.

Bukod pa dito ay ipinatupad sa lugar ang ceasefire at binuksan din nila ang humanitarian corridor para sa mga ililikas.

Ang mga sugatang sundalo ng Ukraine ay dinadala sa medical facility ng Novoazovsk, sa Donetsk People’s Republic at binibigyan ang mga ito ng kaukulang lunas.