-- Advertisements --

Hindi magiging madali ang paglilikas sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa Middle East sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, base sa naging karanasan noong kasagsagan ng gulo sa Libya ay marami pa rin sa mga kababayan natin ang ayaw umuwi ng bansa kaya malaking hamon ito sa gobyerno.

Posible kasing maulit ang nangyari sa Libya noon kung saan kahit na pinapalikas na ang mga Pilipino dahil sa umiiral na gulo ay pinili pa rin ng ilan na huwag umuwi ng Pilipinas dahil sa kanilang mga trabaho.

Gayunman, sinabi ng kalihim na inaalam na ng pamahalaan kung ilang mga Pilipino sa Middle East ang nais bumalik na sa Pilipinas

Sakali namang magmatigas, isa sa mga option nila ay ilikas muna ang mga Pilipino sa Saudia Arabia at Oman na mas ligtas na bansa kompara sa Iran at Iraq.

Samantala, bukod sa air at naval assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ikinukonsidera ng gobyerno na magrenta na lamang ng cruise ship para dito isakay ang mga kababayan natin na nais umuwi ng bansa upang hindi maipit sa kaguluhan.

Nabatid na hindi basta-basta magdedeploy ng kanilang air at naval assets ang AFP sakaling mas lumala pa ang tensiyon sa US at Iran.

Ayon kay AFP spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, magiging maingat sila sa mga gagawing hakbang nito lalo na ang isyu sa Middle East at hindi makikialam ang Pilipinas sakaling umusbong ang giyera.

Binigyang-diin ni Arevalo may mga gagawing diplomatic coordination sa mga bansa para mabigyan ng diplomatic clearance.

Nilinaw naman ni Arevalo kung magpapadala ng assets ang AFP sa Middle East, ito ay para sa humanitarian mission para ilikas ang mga kababayan nating Pilipino .

Sa ngayon, pinag-aaralan ng AFP na ipadala ang BRP Davao Del Sur ng Philippine Navy at BRP Gabriela Silang ng Philippine Coa.