-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa kailangan ng paglilikas ng mga Filipino na nagtatrabaho sa Hong Kong dahil sa nararanasang kaguluhan.
Natitiyak din aniya ng DFA ang kaligtasan ng may 370,000 na mga Filipino Workers sa Hong Kong.
Pinayuhan din ng DFA ang mga Filipino na nasa Hong Kong na dapat huwag basta maniwala sa kumakalat na balita sa social media.
Magtungo na lamang dapat ang mga ito sa legit na websites ng Philippine Consulates para sa updates at advisories.
Mahigpit aniya na binabantayan ng Philippine consulate General ang kalagayan ng mga OFW sa Hong Kong.