-- Advertisements --
BuCor1

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa mga preso ang paglansag ng mga kubol sa lahat ng piitan sa bansa.

Ito ay bilang bahagi ng crackdown ng ahensiya sa mga kontrabando na nasa loob ng mga selda sa mga bilangguan.

Ayon pa kay Catapang, binigyan nila ng pagkakataon ang mga preso na isuko ang lahat ng kanilang mga itinatagong kontrabando subalit tumanggi pa rin ang mga ito at nahuli sa akto.

Mananatili pa rin ng matagal ang mga ito sa New Bilibid Prison at hindi magdadalawang isip na maghain ng mga kaso laban sa mga mahuhuling preso na nagtatago ng mga kontrabando.

Iniulat din ng BuCor na boluntaryong giniba ng mga preso sa Bilibid ang nasa 60 kubols na nasa security housing building 1 at 6 NBP North, HB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang nagpapatuloy naman ang paglansag ng kubol sa Quadrant 3 Maximum security compound.

Nagbabala din ang BuCor chief na simula sa Lunes, Agosto 21 ang mga personnel ng BuCor mula sa Diversified Maintenance Unit ay gigibain na ang mga kubol na nakatayo sa loob ng Bilibid.

Isasagawa aniya ang naturang operasyon ng regular sa national penitentiary.