-- Advertisements --
Pinag-aralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalagay ng suggested retail price (SRP) ng mga laptops at tablets na mabenta ngayon dahil sa online classes na ipinapatupad ng Department of Education (DEPED).
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, mayroon na silang rekomendasyon kay DTI Secretary Ramon Lopez sa nasabing hakbang.
Dagdag pa nito na kapag naaprubahan na ang kanilang rekomendasyon ay agad silan mag-iikot sa mga benthan ng nasabing mga gadget.
Magugunitang tumaas ng bilang ng mga bumibili ng mga laptops at tablets para gamitin ng mga estudyante sa online classes na ang iba ay nagsimula na habang ang mga pampublikong paaralan ay sa Oktubre pa.