Magsisilbi umanong leksiyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isyu ng maling paglalabas ng mga pangalang iniuugnay sa rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) o ang red tagging.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines sa bagong talagang AFP Chief of Staff na si Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sinabi nitong dapat ay maging maingat na ang militar sa pagdawit sa ilang katao na may koneksiyon sa NPA maging ng mga teroristang grupo.
Ang isyu ay may kaugnayan sa pagdawit ni AFP-Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade na ang mga progressive lawmakers ay miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Pinakahuli ay ang pagdawit ni Parlade sa isang mamahayag na naka-beat sa Department of Justice (DoJ) dahil sa artikulo nitong ayon sa opisyal ay pagsuporta sa mga terorista.
Sinabi ni Parlade na dapat ay maging maingat ang militar sa pag-iisyu ng mga statement dahil hindi magandang madawit ang mga taong wala naman talagang kaugnayan sa mga rebelde.
Samantala, sa limitadong panahon sa kanyang panunungkulan ay nangako ang AFP chief na gagawin lahat niya ang kanyang makakaya para mapabuti pa ang serbisyo ng AFP.
Pero hiniling din nito ang suporta ng bawat isa para maging maayos at payapa ang ating pamayanan.