Ipinagpaliban muna ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang paglalabas ng 150,000 MT ng inangkat na asukal para ma-stabilize ang bumababang farmgate price ng raw sugar bilang suporta sa lokal na industrisya sa bansa.
Ito ay sa bisa ng Resolution No. 2023-159 na may petsang Setyembre 26, 2023 subalit ang kopiya nito ay inilabas lamang ngayong araw ng Huwebes.
Ayon sa SRA mahalaga aniya na i-hold muna ang lahat ng mga aplikasyon ng conversion sa halip ay panatilihin ang classification ng lahat ng imported na bigas bilang Reserved.
Una ng inangkat ang nasabing mga asukal sa bisa ng Sugar Order No. 7 series of 2022-2023 na nag-ootorisa sa pag-aangkat ng 150,000 refined sugar na dapat ay dumating nang hindi lalagpas sa Setyembre 15, 2023 at dapat iuri bilang reserved.
Sa ilalim ng naturang Sugar Order No. 7, bibigyan ang mga importer ng hanggang Oktubre 15, 2023 para maipamahagi ang kanilang stocks.
Subalit sa ilalim ng Resolution ng SRA, tinanggal ang deadline para sa mga importers para maprotektahan ang interes ng mga magsasaka at sugar millers at mapanatili ang resonableng farmgate price ng asukal sa P3,000 kada bag.
Ito ay matapos na maobserbahan ng SRA na walang paggalaw sa average restail price ng asukal habang bumaba ang average price ng raw sugar sa pagitan ng P2,500 at P2,750 kada bag sa unang 2 lingo ng crop year 2023-2024 at patuloy pang bumababa dahil sa oversupply.