-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza ang paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng ₱529.2-million na pondo, para sa Cancer Assitance Fund sa ilalim ng 2022 budget.

Itoy kasunod ng paglagda ng DBM at Department of Health (DOH) sa joint memorandum na magbibigay linaw sa implementing rules and regulation para sa pagpapatupad ng programa.

Ayon kay Rep. Daza, na magandang simula ang pagpopondo sa Cancer Assistance Fund upang mapalawak ang sakop at maaaring mabenepisyuhan ng Cancer Control Act at Universal Healthcare Act.

Sa nakaraang budget deliberation ng Mababang Kapulungan, una nang hiniling ni Daza sa DOH ang agarang pag-utilize sa CAF na nakapaloob na sa 2022 budget.

Para sa 2023 General Appropriations Bill na pinagtibay ng Kamara, nasa ₱250-million ang inilaan sa Cancer Assistance Fund.

Umaasa si Daza na ang ganitong mga kooperasyon ay magpapatuloy lalo na at dapat iparamdam sa mga cancer patients na hindi sila nag iisa sa paglaban sa kanilang sakit.

” I hope this spirit of cooperation continues and we keep the ball rolling towards affordable and even free treatment of this disease and others. We must never let our fellow Filipinos feel alone in the fight against cancer,” pahayag ni Rep. Daza.