CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala ang isang international law professor na ang pagtanggal sa katungkulan ni Russian President Vladimir Putin ang natatanging paraan na tuluyan nang matigil ang malawakan nila na isinagawang pag-atake at pananakop sa mga taga-Ukraine.
Ito ay upang masisimulan na ang negosasyon sa usaping pang-kapayapaan sa pagitan ng dalawang magkatunggaling bansa sa bahagi ng Uropa.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Atty Antonio La Viña na isang pambiriha na hakbang ang pagpapalabas ng International Criminal Court ng warrant of arrest laban kay Putin dahil layunin nito na pigilan ang Rusya sa karagdagang war on crimes activities sa Ukraine.
Dagdag ni La Viña na talagang hayagan na nakagawa ng war on crimes si Putin dahil malaking paglabag ang puwersahang deportasyon ng Ukrainians papasok sa Rusya.
Magugunitang tinawag ng Rusya na walang kuwenta ang inilabas na ICC order laban sa kanilang presidente.