Pamumunuan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople ang isang task force na lalaban sa illegal recruitment at human trafficking.
Sinabi ni Ople na hindi siya magkakaroon ng pagpapaubaya laban sa mga sindikato sa likod ng trafficking.
Ibinahagi pa nito na bago ang kanyang Department of Migrant Workers (DMW) stint, si Ople ay nagkaroon na ng karanasan sa kanyang trabaho sa pag-eliminate ng illegal recruitment.
Aniya, siya mismo ang mangungulo sa DMW Task Force Against Illegal Recruitment and Trafficking Persons (TF-AIRTIP).
Kabilang sa kanyang mga priyoridad ay ang pagtatatag ng Aksyon Fund, na bahagi ng mga probisyon ng Department of Migrant Workers (DMW) Law at dapat pondohan sa ilalim ng General Appropriations Act.
Sinabi ni Ople na ang pondo ay kailangang bumuo ng mga alituntunin sa pakikipagtulungan sa mga stakeholder bago ito magkabisa.
Bubuksan din niya ang usapin ng pag-amyenda sa mga alituntunin at regulasyon ng Philippine Overseas Employment Administration na magiging batayan sa pag-regulate ng land-based at sea-based recruitment agencies, at pagrepaso sa sistema at mga kinakailangan sa pag-verify ng kontrata at pag-secure sa Overseas Employment Certificate.