-- Advertisements --
Plano ng grupo ng mga truckers sa bansa na taasan ang mga delivery fees na kanilang sinisingil.
Kasunod ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Confederation of Truckers Association of the Philippines President Mary Zapata na magsasagawa muna sila ng pulong para talakayin ang usapin.
Dagdag pa nito na naiintindihan din ng mga kliyente nila dahil sa kumkunsumo ang kanilang sasakyan at nakikita ang krisis na nagaganap sa Gitnang Silangan.
Una ng sinabi rin ng Department of Transportation (DOTr) na kasama ang mga truckers group sa ipapamahagi nilang fuel subsidy.