Naniniwala si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na ang paglabag sa Immigration laws at hindi tamang pagbayad ng buwis ng POGO ay sapat na katwiran para tuluyan na itong i- ban sa bansa.
Ayon kay Abante ang mga iniulat na irregularities sa mga isinasagawang legislative inquiries kaugnay sa POGO ay nagpapakita na hindi nare regulate ang nasabing industriya kaya mahirap pantilihin ang status quo nito.
Hindi na dapat pagtalunan pa ang umano’y potential benefits ng POGO industry lalo at hirap silang mag comply sa ating Immigration laws at tax regulations ng bansa.
” If there are clear manifestations that these POGOs will not reach our laws and that it will take extraordinary efforts on our part to regulate the industry, then we should just ban them outright,” pahayag ni Abante.
Panawagan naman ni Abante sa mga kapwa mambabatas na dapat kanilang tutukan ang development ng mga industries na magbibigay ng maraming trabaho at revenues o kita at hindi sakit sa ulo at may mga kinasasangkutang legal issues gaya ng POGO.
Kamakailan lamang inanunsiyo ng Department of Justice (DOJ) ang initial deportation ng nasa anim na Chinese POGO workers.
Nasa 400 Chinese POGO workers ang kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Bureau of Immigration (BI) habang pino-proseso ang kanilang deportation.
Batay naman sa ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nasa P1.9 billion ang nawalang revenue ng gobyerno dahil sa hindi tamang pagbayad ng tax ng POGO simula nuong buwan ng January hanggang buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon.