-- Advertisements --

Kinumpirma na rin ng Portland Trail Blazers ang pagkuha nila kay Chauncey Billups bilang bagong head coach ng prangkisa.

Si Billups, 44, ay five-time NBA All-Star at naging MVP noong 2004 NBA Finals bilang bahagi pa ng Detroit Pistons.

chauncey billups 1
Chauncey Billups during his Pistons years

Sinasabing nagkasundo na umano ang Blazers para sa five-year deal sa dating LA Clippers assistant coach kabilang na ang team option sa magiging huli nitong season.

Target ng Blazers na mapalakas pa ang team sa pagkuha kay Billups at samantalahin ang pamamayagpag ng kanilang All-NBA guard na si Damian Lillard.

Bago pa man daw maisapinal ang kontrata kay Billups, inimbestigahan muna ng koponan ang report noong 1997 na pagkakasangkot nito sa kasong rape.

Lumalabas daw na wala namang criminal charges at naayos na rin daw ni Billups ang civil lawsuit na isinampa noon ng isang babae.