-- Advertisements --

Tinatayang tataas pa ang pagkonsumo ng mga Pilipino ng bigas ngayong taon kung saan inaasahang magiging pang-anim sa pinakamalaking consumer ang mga Pilipino sa buong mundo.

Ito ay base sa panibagong Grain: World Markets and Trade report ng USDA kung saan tinatayang makakakonsumo ang mga Pilipino ng 16.5 million metrikong tonelada ng bigas ngayong 2024, 3% na pagtaas mula sa 16 million metrikong tonelada na nakonsumo noong 2023.

Katumbas ito ng average na 151.3 kilo ng bigas sa bawat Pilipino kada taon.

Bunsod ng mas mataas na consumption, nirebisa ng USDA ang unang pagtaya nito para sa rice imports ng PH kung saan inaasahang papalo na ito sa 3.9 million metrikong tonelada ngayong taon, lagpas sa naunang pagtaya na 3.8 million metric tons.

Ang PH ang nananatili ngang top importer ng bigas sa buong mundo na binubuo ng 25.7% ng global import requirements ngayong 2024.