Table Tennis
Table Tennis

SUBIC – Bagamat natalo sa kanilang mga laban sisikapin pa rin ng Philippine table tennis team na maiangat ang kanilang kampanya at magkatsansa na manalo ngayong Linggo.

Ayon kay Teng Ledesma, Philippine table tennis federation president, may mga quality players pa naman silang sasabak lalo na at singles match na ang lalabanan ng Philippine team.

Dagdag pa ni Ledesma, lagi naman daw nagkaka-medal ang Pilipinas sa SEA Games lalo na’t isa ring Olympian si Richard Gonzales na lalaro na.

Samantala inamin naman nito na ramdam pa rin nila hanggang ngayon ang pagkawala ni table tennis star Ian larriba.

Ayon kay Ledesma naging daan ito para maging close ang mga players sa isa’t isa dahil noong buhay pa si Larriba lahat ng katangian ng isang leader ay nasa kanya.

Si Larriba ay ang star player ng table tennis ng Pilipinas na lumaban noong 2016 Rio Olympics at kauna unahang player ng bansa sa table tennis na sya ring naging flag bearer noong Rio Olympics pero sumakabilang buhay noong isang taon dahil sa cancer.

Sa ngayon daw ginagamit din nila ito bilang bahagi motibasyon sa bawat laban. (Bombo Badz Agtalao)