Ituturing ng Philippine Men’ National football team na ang pagkatalo nila ng dalawang beses sa Iraq ay isang malaking leksyon.
Sinabi men’s football team captain Neil Etheridge na isang crucial errors ang naging resulta ng kanilang pagkatalo.
Isang napakahirap na harapin aniya ang pangyayari dahil una na silang natalo noong nakaraang linggo sa home court ng Iraq at maging sa home court dito Pilipinas ay nabigo pa rin ang football team ng bansa.
Naniniwala naman ito na hindi imposible na makaabanse sila sa susunod na round ng World Cup Qualifiers.
Ang mga natutunan aniya nila sa pagkatalo sa Iraq ay kanilang babaunin sa pagharap nila laban sa Indonesia at Vietnam sa buwan ng Hunyo.
Tanging ang top 2 teams ng Group F na kasama ang Indonesia at Vietnam ang abanse na sa susunod na round ng qualifiers at tiyak na ang puwesto sa 2027 Asian Cup.
Nasa pang-apat na puwesto ang Pilipinas na may isang puntos habang ang Iraq ay may 12 points na sinundan ng Indonesia na mayroong pitong puntos habang ang Vietnam ay mayroong tatlong puntos.