-- Advertisements --
Hindi sinang-ayunan ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang direktiba ng Malacañang na kantahin at bigkasin ang “Bagong Pilipinas ” hymn at pledge tuwing flag ceremony.
Ayon sa senador na mahalaga na magsumite ang executive branch ng panukalang batas ukol sa nasabing ideya.
Hindi aniya sapat ang memorandum circular para sa pagdagdag ng nasabing pledge.
Magugunitang inatasan ng Malacañang ang lahat ng mga national government agencies at mga Local Government Unite na isabay ang pagkanta ng “Bagong Pilipinas” tuwing flag ceremony.