-- Advertisements --
image 135

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ibang ASEAN leaders na ang hangaring makamit ang inaasam na kapayapaan at istabilidad sa pinagtatalunang karagatan ay malayo pa sa katotohanan sa gitna ng hindi pa rin nareresolbang territorial disputes.

Tinutulan din ng Pangulo ang misleading narratives na ang tensiyon sa disputed waters ay hinggil lamang sa kompetisyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa.

Noon kasing Hulyo, inakusahan ng China ang US government na siyang mastermind o utak umano sa likod ng mga isyu sa pinagtatalunang karagatan kabilang ang West PH Sea, bagay na itinanggi naman ng Amerika.

Iginiit din ni PBBM ang katayuan ng kaniyang administrasyon kaugnay sa pagpapalakas ng kooperasyon sa lahat ng bansa gayundin ang pagsusulong ng mapayapang resolusyon ng anumang gusot sa contested waterways.

Nanawagan din ng suporta si PBBM sa ASEAN leaders sa pagpapatupad ng practical measures kabilang ang ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) Guidelines for Maritime Interaction na target na itaguyod ang mutual trust sa mga hamon sa depensa at seguridad.

Ang ADMM ay ang pinakamataas na defence consultative at cooperative mechanism sa ASEAN