-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Chief of Police ng General Trias, Cavite na si Lt Col. Marlo Nillo Solero na sila ay nagpapatupad ng physical exercises duon sa mga hinuling mga quarantine violators.


Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, ito ang naging paliwanag ng chief of police, at kanila pang binibigyan ng tulong ang pamilya ng biktima para dalhin ito sa hospital.

Sinabi ni Usana, iniimbestigahan na ngayon ang insidente at kinukuhanan na rin ng pahayag ang mga testigo kaugnay sa insidente.

Ang PNP Calabarzon ang siyang nag-iimbestiga hinggil sa insidente.

Binigyang-diin ni Usana na lalabas ang katotohanan kaugnay sa insidente.

Aniya may pitong quarantine violators ang ni refer ng barangay officials sa Gen. trias Police.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP mas mainam ang community service bilang alternative na parusa imbes na isailalim sa pumping activities ang mga mahuhuling curfew at quarantine violators.

Una ng binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na ayaw niyang may maaresto na mga ECQ violators.

Bukod sa community service, bigyan na lamang ng warning ang mga ito o pagmultahin lang.

Namatay ang isang quarantine violator matapos pinuwersa itong pinagawan ng 300 beses na pumping exercise.

Hinuli umano ng mga tanod ang 28-anyos na quarantine violator nuong

April 1 dahil sa nakitang bumili ng tubig lagpas na ng alas-6 ng gabi.

April 2 na itong makauwi sa kanilang bahay at hirap na makagalaw dahil sa fatigue at ilang oras ang nakalipas nagsimula na itong mag seizures at nawalan ng malay, na revied pa siya ng dalhin sa hospital pero namatay din.