-- Advertisements --
chuang

Umaani ngayon ng kabi-kabilang batikos ang isang zoo sa Thailand matapos mamatay ng sikat na panda na naging dahilan upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito ang mga eksperto galing China.

Si Chuang Chuang ay inilagay sa Chiang Mai zoo noong 2013.

Tanyag ang 19-anyos na panda sa buong Thailand dahil sa ilang beses na pagsubok ng naturang zoo na makapareho nito ang kaniyang female companion.

Ngunit kahit minsan ay hindi raw nagpakita ng sexual interest si Chuang Chuang kay Lin Hui sa kabila ng iba’t ibang methods na sinubukan ng zoo upang i-boost ang sex drive nito.

Kabilang sa methods na ito ay ang pagsa-ilalim kay Chuang Chuang sa low-carb diet at pati ang pagpapanuod dito ng mga nagtatalik na panda.

Ang hindi maipaliwanag na pagkamatay nito ay nagdulot ng galit sa Chinese social media kung saan karamihan ng netizens ay inakusahan ang Thailand sa di-umano’y hindi nito maayos na pag-aalaga kay Chuang Chuang.

Ang mga Giant pandas tulad ni Chuang Chuang ay kadalasang makikita sa China. Kaya nilang mabuhay ng 25-30 years ngunit critically endangered na ang mga ito.

Nakagawian na ng China na magbigay ng panda sa mga bansa sa buong mundo upang mas lalo pang patatagin ang diplomatic ties nito.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga eksperto mula China Conservation and Research Centre upang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng panda. (CNN)