Labis na ikinadiamaya ng Public Atty Office (PAO) ang ginawang pagtapyas ng senado sa 2021 budget ng PAO na tinamaan ang operasyon ng kanilang Forensic laboratory.
Ayon kay PAO Chf Persida Rueda-Acosta, malaking kawalan ang pagtapyas ng Senado sa pangunguna ni Sen. Franklin Drilon sa kanilang pondo dahil mapipilay aniya ang kanilang operasyon sa pagsusuri ng mga biktima ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine at iba pang kaso na nangangailangan ng mga forensic evidence.
Kaugnay nito, umapela naman si Acosta kay Justice Sec. Menardo Guevarra na tulungan silang maibalik ang tinapyas na pondo upang mas lalo pang makatulong sa mga kaawa-awang publiko na biktima ng mga karahasan at iba’t iba pang krimen na walang nagagawa dahil na rin sa kawalan.
Paliwanag pa ni Acosta, nakapanghihina aniyang sa kabila ng mga ginagawa ng PAO para mga kapakanan ng mga less fortunate ay binawasan pa ang kanilang pondo.
Samantala sa isang mensahe naman ni Guevarra, sinabi nitong legislative prerogative aniya ang pagtapyas sa pondo at wala siyang magagawa para rito.