-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinisi ni dating Department of Health (DOH) secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janet Garin ang DOH sa maling balita tungkol sa 2019 novel coronavirus (nCoV) na naging dahilan ng panic ng publiko.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi na Garin na nabigo ang ahensya sa pamumuno ni Sec. Francisco Duque III na maihatid sa publiko ang mga importanteng impormasyon tungkol sa Novel Coronavirus scare.

Ayon kay Garin, isa sa naging kakulangan ng ahensya ay ang hindi agarang pagpapatawag ng command conference upang iparating sa publiko ang pinakahuling impormasyon na inilalabas ng World Health Organization.

Dagdag ni Garin, importante rin ang pag-appoint ng isang speaker bureau na sityang maglalabas ng impormasyon hinggil sa sakit.

Inihayag ni Garin, hindi rin na-activate agad ang task force ng Department of Health na tututok sa nasabing health scare.

Aniya, ang mga nasabing dahilan ang naging sanhi ng panic buying at mabilis na naniwala ang mga tao sa maling impormasyon na kumalat tungkol sa nCoV.