-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng National Task Force Against COVID-19, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang tatlong kompaniyang sangkot sa pamemeke ng bakuna.

Ayon kay NTF chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez, nag-verify sila sa mother company ng mga kumakalat na bakuna, ngunit hindi pala lehitimo ang mga naglipanang COVID vaccine sa merkado.

Bagama’t hindi muna isiniwalat ni Galvez ang brand ng fake vaccines, naniniwala itong nakarating na sa iba’t-ibang lugar ang naturang bakuna.

Tuloy-tuloy naman ang pagkilos ng mga otoridad upang matunton ang nagpapakalat nito.

Patung-patong na kaso ang maaaring kaharapin ng namemeke at maaari ding maghabol ang mismong kompaniyang ginaya, lalo’t maaari itong makaapekto sa identity ng lehitimong COVID-19 vaccine.