-- Advertisements --

pnp chief archie gamboa shabu raid

Pinuri ni PNP (Philippine National Police) chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang pagkumpiska ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ng nasa P8.4 billion halaga ng iligal na droga sa loob ng siyam na araw.


“I commend the recent string of successful anti-illegal drug operations of the PNP DEG. The yield of P 8.395 billion worth of illegal drugs in a span of nine (9) days is unprecedented and is proof that the PNP is relentless in its pursuit of criminals and syndicates behind illegal drugs,” pahayag ni Gamboa.

Kabilang sa serye ng operasyon ang ikinasang buy bust operation noong June 12 kung saan nasa P18.25 million halaga ng shabu ang nasabat sa siyudad ng Caloocan, Navotas, at Marikina.

Mula naman June 12 hanggang 13, ang Police Regional Office (PRO)-6 ay nakasabat ng nasa P1.22 million halaga ng illegal drugs sa Bacolod City. Nitong June 13, ang PRO-4A ay nakasabat ng nasa 306,000 halaga ng illegal drugs sa Rizal province.

Sa ikalawang operasyon ng PDEG kasama ang PRO4-A sa Cavite, nasa P2.5 billion halaga ng shabu ang nakumpiska noong June 11; at nasa P1.8 million halaga ng shabu ang nakumpiska ng PRO-3 sa Guiguinto, Bulacan noong June 9.

“The PNP continues in the frontline of ensuring public safety by going after illegal drugs,” ayon kay Gamboa.

Tiniyak ni Gamboa, lalo pa nilang palalakasin ang kampanya laban sa iligal na droga sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa.