-- Advertisements --

Mariing tinutulan ni House Committee on Justice chairman Vicente Veloso ang pagkakabilang ng mga recidivist o mga indibidwal na nakagawa ng krimen nang paulit-ulit sa mga hindi mabibigyan ng pagkakataon na makapag-avail ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sinabi ni Veloso na hindi dapat isama sa mga hindi pagbibigyan na makalaya ng mas maaga sa kanilang sentensya ang mga recidivist na nakagawa lamang ng mga “petty” crimes.

Iginiit ng kongresista na dapat depende sa bigat ng nagawang krimen ang basehan kung pagbibigyan ang isang reoffender ng pagkakataon na makapag-avail ng GCTA Law.

Ang tunay dapat aniyang pagkaitan ng GCTA Law ay ang mga convicted criminal na reoffender ng mga kaso na ang sentensya ay reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.

Kapag ikaw ay recidivist on petty crimes you ca still avail GCTA,” ani Veloso.