Pinapabilisan ng Department of Transportation ang pag-arangkada ng mga tinatawag na ‘big ticket projects’ sa buong Pilipinas.
Ang mga nasabing proyekto ay inaasahang lalo pang magpapataas sa kalidad ng transportasyon na mayroon ang bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, pinamamadali na niya ang pagkakabuo at pagkakakumpleto sa mga malalaking proyekto upang lalo pang mapagaan ang sitwasyon ng mga commuters sa buong bansa.
Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod: LRT-1 Cavite Extension, North South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway, kasama ang MRT line 7 project.
Kabilang din sa mga nais makita ng DOTR ay ang pagkakakumpleto sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ayon sa DOTR, maganda ring matunghayan ang plano ng Cebu at Davao na gamitin ang konsepto ng EDSA Busway na una nang ipinatutupad dito sa Metro Manila.
Kasama rin sa mga nais makita ng DOTR para sa pagpapabuti sa kalagayan ng transportasyon sa bansa ay ang pagsasapribado sa operasyon ng NAIA terminal.