Tukoy na ng Southern Police District ang identity ng suspek na nanloob sa Resorts World Hotel kaninang madaling araw.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, CSupt. Tomas Apolinario na batay sa isinagawa nilang follow-up operations patungkol sa identity ng suspek.

Tumanggi namang pangalanan ni Apolinario ang suspek na six footer ang taas, Caucasian ang hitsura at English speaking.

Pero hindi pa mabatid ng PNP kung Filipino ito o isang banyaga.

Tumanggi muna si Apolinario na pangalanan ang suspek dahil ongoing pa ang kanilang imbestigasyon.

Sa kabilang dako, nanindigan ang PNP na hindi act of terrorism ang nangyari dahil wala namang violence ang nangyari.

Sinabi ni Dela Rosa sa kanilang initial assessment tila may diperensiya sa pag-iisip ang suspek.

Hindi naman naniniwala si Dela Rosa na ang insidente sa resorts world ay magreresulta sa pagdedeklara ng Martial Law sa Luzon dahil wala naman kuneksiyon ito sa terorismo.

Hindi naman direktang sinabi ni Dela Rosa kung may natanggap ang PNP na intelligence report kaugnay sa planong pag atake sa Resorts world.

May paalala naman si Dela Rosa sa mga restaurant at hotel owners na paalalahanan ang kanilang mga tauhan na kapag may nakita silang ganitong mga indibidwal ay agad ipagbigay alam sa PNP.