Welcome development para sa ilang senador sa pagkamit ng hustisya ang pagkakahuli at deportasyon ng Timor-Leste kay dating Negros Oriental Representative Arnie Teves.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang deportasyon sa dating kongresista ay magbibigay pagkakataon sa kanya upang harapin ang mga kasong isinampa sa kanya.
Gayundin magbibigay pagkakataon sa pamilya Degamo na patuloy na maisulong ang hinahanap na hustisya.
Kaisa naman si Villanueva ang pamilya Degamo at apektadong pamilya sa paghahangad na makamit ang katarungan at maisara na ang masaklap na kabanata ng brutal na pagpaslang kay dating Gobernador Roel Degamo, at sa iba pang mga biktima.
Dahil sa pagkakaaresto kay Teves, sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian makakamit na ang hustisya lalo na sa pamilya Degamo.
Giit ng senador, apektado ang buong bansa sa ginawa umano ni Teves at nasira rin aniya ang international image ng Pilipinas lalo na sa Negros Oriental.